Paano nag-umpisa ang lahat?
Pauwi na kami nun, May 29, 2015 mga 7pm, umaambon pa at syempre traffic lalo nat biyernes payday, masayang nagkakakwentuhan kami ni Manong taxi driver ng biglang may huminto sa tabi namin. Napalingon kami kasi medyo maingay preno ng motor. Paglingon namin, dalawang Indian nationals, bumaba ang isa na may hawak na sako, may kinuhang bagay na nakabalot ng dyaryo at iniabot sa isang matandang lalaki, sabay yakap, at parang dinasalan pa. Sabay sabi ni Manong driver, tumindig balahibo ko. Kami rin Manong sagot ko.
Pagkatapos nun, umalis na sila, pagkaraan ng 5 to 10 minutes naabutan namin ang dalawa, ganun din ang nangyari. Magandang gawain yan, masubukan nga sabi ko sa sarili ko na di ko akalain un din ang nabanggit ni Manong driver. Mula Gilmore Ave. cor. Aurora Blvd. hanggang V. Mapa cor Aurora Blvd. nasabayan namin ang dalawang Indian nationals na namimigay ng pagkain.
08/14/15 |
May pahabol pa nga si Manong driver samin, "Gawin din natin, iba pakiramdam, masarap at masaya, kahit nakita lang natin, mas masarap o masaya kung tayo mismo gagawa"
Facebook: Intellisearh-Online
URL: https://www.facebook.com/imsconline
URL: https://www.facebook.com/imsconline
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento